Tuesday, December 1, 2009

Good Ol' Dayz


Nung tayo ay bata pa... (modified)

*.Naalala mo pa ba nung naghahanap ka ng puno ng bayabas dahil ang kahoy nito ay the best pang gawa ng tirador?

*Nung mga panahon na nangunguha kayo ng mga kaibigan mo ng Aratiles, Duhat at Makopa?

*Gumagawa ng Palobo sa pamamagitan ng pag pitpit ng bulaklak ng gumamela?

*Nag aabang ka sa kapatid mong nakakatanda sa yo dahil sa pasalubong na kahit kendi lang masaya ka na.

*Kahit lalake ka ay marunong ka mag Hula Hoop.

*Malaki din ang naitulong ni Eloys at ni Tambunting sa Nanay mo na kailangang kailangan ng budget pamalengke.

*At pag dating ng alas tres ay pipilitin kang matulog ng nanay mo para ka lumaki?
*Pero di ka makatulog ng tuloy tuloy dahil inaabangan mo ang Batibot sa hapon

*Kahit na antok na antok ka na dahil nanuod ka ng Agila at Valiente

*At ang mga oras na yunang palabas lang eh Pinilakang Tabing at Piling Piling Pelikula.

*Dati ay hindi Dota ang libangan mo kundi Patintero, Saksak puso, Langit-lupa, Tumbang Preso, Luksong tinik, Teks at Jolen?

*Sikat ka nuon pag meron kang Atari o Family Computer.

*At siyempre napakinabangan mo ng husto ang up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, select, start?

*Pag sabado nakasuot ka ng Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles tuwing may praktis kayo sa school at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*Malamang ang tatak ng brief mo ay Warren at ito ang tinatakpan ng pantalon mo na ag style eh Buggy.

*Mapa lalake o babae wala kang choice kundi ma adik sa Rainbow Brite, Carebears, Thundercats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos,
He-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*Nanunuod ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie... Aminin.

*Malamang ay kilala mo si Niknok ng Funny Komiks

*At sinusubaybayan mo ang Wakasan Comics na ang mga nobela ay puro Itutuloy...

*Takot ka sa Bumbay at sa Metro Manila Aide.

*Inabutan mo rin ang panahon na wala pang MS Office; ang pinag aaralan mo ay Wordstar at di ka sa USB nag si save kundi sa floppy disk?

*At ang gamit mong Excel ay Lotus.

*At ang Facebook niyo dati eh ang pader ng CR niyo sa school.

*Di mo rin makakalimutan marahil na nag re record kayo sa casette tape para ipadala niyo sa kamag anak niyo abroad dahil mahal ang long distance at di pa uso ang Skype nuon.

*Inaabangan mo lagi ang batibot at umaasa ka na magkakatuluyan si Kuya Bodgie at Ate Sienna...
*Kilala mo si Manang Bola at ang Sitsiritsit Girls?e si Luning-ning at Luging-ging?

*Kung high school ka naman ng panahon na ito ay inaabangan mo lagi Beverly Hills 90210 at malamangcrushmo si Luke Perry?

*Gumagamit ka rin ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*Meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na Kaypee Shoes kung lalake ka?

*Hindi Emo ang tawag dati sa mga naka itim na Punks kundi mga satanista.

*Takot kang lumabas sa gabi dahil iniisip mo may Kapre sa itaas ng puno, may Dwende sa mga halamanan, may Nuno sa Punso may Syokoy sa ilog May Tiktik sa Kisame, may Manananggal sa himpapawid at may White Lady sa Kalye. San mo ba itatago sarili mo nung mga panahon na ito na tinatakot ka ng Pinoy Thriller?

*Libangin mo na lang sarili mo kasama si Kuya Germs sa That's Entertainment.

*O di kaya'y manghuli ka na lang ng Gagambang Salab at ilaban mo ng pustahan sa labanan ng gagamba.

*Di pa uso nuon ang Maging Sing pero uso na ang Karaoke na lagi mong sinasalangan ng isang librong koleksyon mo ng Multiplex.

*At kahit di pa uso nuon ang Discovery Channel di naman tayo napapag iwanan kasi anjan si Gerry Geronimo na mapapanuod mo sa Ating Alamin.

*At sa umaga naman ay binabati ka ng Magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, umaga ng Radyo ng nanay o ng lola mo.

*Nangongolekta ka ng Paper Stationaries at mahilig ka Magpapirma sa Slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*Wag mo rin i deny dahil sigurado akong marunong ka mag F.L.A.M.E.S.

*Alam mo ibig sabihin ng Time Space Warp at di mo makakalimutan ang Time Space Warp Chant na ni revive sa Zaido?

*Idol mo si McGyver at nanonood ka ng Perfect Strangers?

*Madali-daling magsaulo ng phone number dati dahil 6 digits lang.

*Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang gamit mo?

*Cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "Eh kasi Bata"?

*Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref at ang dating tawag nila

dito ay Chocovim?

* At ini enjoy mo ito kasabay ng Notribanna hinaluan ng Korean Bug para nakaka adik.

*Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? at tinatadtad mo ng Sticker

*Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*Alam mo lyrics ng "Tinapang Bangus" at "Alagang-alaga namin si Puti"?

*Alam mo ang kantang "Gloria Labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*Sosyal ka pag may Play-doh ka at nag-iipon ka ng He-man at G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni Barbie noon?

*At pag naghahanap ka sa tindahan ng Lego ang inaalok sa yo ay Ligo Sardines.

*Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*Di mo pansin ang Nike dati dahil naka focus ang isip mo na magkaron ng Mighty Kid.

*At kung binata ka naman, di pwedeng di ka marunong mag BMX o kaya mag Break Dance na sinasabayan mo pa ng Strut dahil idol mo si Turbo, sumalangit nawa.

*Lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun?

*Meron kang kabisadong kanta ni Andrew E na alam mo hanggang ngayon.. wag i deny?

*Kilala mo rin malamang ang Dyna Dancers

*Hindi pwedeng hindi ka nakapanuod ng Lovely Ness at inaantay mo kung anong kulay ng Tangga na isusuot ni Alma Moreno.

*At ang Bubble Gang nung time na yun eh Todas, natatandaan mo pa ba ang hottie na si Frida Fonda?

*Hindi rin uso ang late night show nuon kaya makikinig ka na lang ng Radyo at mag Toning kayo ni Johnny Midnight.

*Marahil isa ka rin sa mga nag wish na sana mabisita mo si Uncle Bob nang mabigyan ka niya ng laruan gaya ng mga mayayamang bata na laging nasa set niya.

*Ilang beses ka na rin bang pinaluha ng Opening Video ng Kapwa Ko Mahal Ko?

*At nanunuod ka ng commercial pag Palmolive ang pinapalabas dahil inaabangan mo ang "I Can Feel It" ni Alice Dixon.

*Imposible ring pinalalampas mo ang Milo commercial ni Bea Lucero :-)

*At proud ka maging pinoy pag napapanuod mo si Verna Liza na kumakanta ng "Magkaisa"

*At siyempre di mo rin makakalimutan si Lilet sa commercial ng Coke na kumakanta ng Tomorrow's People.




*At kung babae ka naman malamang ay nabihag ka ng charisma ni Ricky Martin at Robbie Rosa nuon sa Menudo.

*At marahil ay pinag ipunan mo ng husto na makabili ka ng front ticket sa concert nila na nagkakahalaga ng P1000 dahil P20 lang allowance mo sa isang araw kaya titiisin mo munang wag bumili ng Coke Solo sa halagang P1 para ka makatipid.

*Mag Chocnut ka na lang muna kung nagtitipid ka iwasan mo munang bumili ng Serge.

*Di pa rin uso FX nun, pero sikat ang Ford Fierra.

*Club at Bar pa ang setup ng Shakey's dati hindi pampamilya kagaya ng Shakey's ngayon.

*Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka o di kaya eh Good Morning Towel na preskong presko ang feeling?

*Tuwing bakasyon pinapainom ka ng nanay mo ng Combantrine para mawala bulate mo sa tiyan.

*At dinadala ka sa Tabing dagat sa Luneta para gumaling ang ubo at sipon mo.

*Kamay pa ang tamang pronunciation sa Camay Soap na ngayon ay Khamey na ang tamang bigkas.

*Ang pinakamagandang muka nuon sa TV ay hindi si Marriane Rivera kundi si Marriane dela Riva, search niyo sa google kundi niyo siya kilala, helo!?

*Bumibili ka ng Tarzan, Texas at Bazooka Bubble Gum... Tira-tira, at yung Kending bilog na sinawsaw sa asukal?

* Nag tatabi ka rin ng Jaryo at Bote para pag dating ng kariton na Potpot eh ipapapalit mo ang mga ito ng Krispop.

*Kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porn as BOLD?

*Pinaka matindi na nung panahon na ito ang Labintador, bago pa lumabas ng 5 Star at Bawang.

*Lumulundag ka pag New Year kasi nga gusto mo tumangkad.

*Pag pasko naman ay di pwedeng palampasin ang C.O.D show sa Cubao.

*Wala pang Star City nuon, pero sikat ang Fiesta Carnibal

*Hindi mo rin kilala ang SM dati dahil madalas kayo mag shopping sa Harrison Plaza

*At mas kilala mong puntahan ang Alemars kesa sa National Bookstore

*Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA
LANG... DIBA .75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP
NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA
MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH


--
dejitarus@yahoo.com

Saturday, November 14, 2009

2012 Movie Positive Review

Two Words: 2012 ROCKS! Yes indeed! Before we went to cinema and watch 2012, I checked some reviews online and on YouTube only to find out there are lots and lots of 2012 haters out there, or may I say, PRETENDING to be haters!

To all of you guys who were saying that this movie is a failure? GET REAL!!! Don’t pretend that you were not satisfied by the effects, the thrill and breath taking scenes of the film. Please guys stop acting as if you have a high standard taste and you are a hard to please critic. I can’t believe that some people out there said that the movie was the most boring disaster movie ever. I’ll say this again… STOP PRETENDING!!! I guess you wet your pants while you were there seeing the breath taking disaster moments and then as a strike back you’ll write a negative review. Some of you even got the guts to upload video comments on YouTube? And talk as if you’re a genius in film making and effects.

It’s an honest to goodness awesome film,. And also stop making fun of Danny Glover as if you’re a better actor than he is, he’s done great on the movie and everybody else including John Cusack of course.

So please! If you want to say something ugly about 2012 be specific, don’t just say… It’s boring, I don’t like the cast, it’s repetitive, the film was too long, it’s recycled

Overall, The Movie Rocks! Me and my family was entertained, we were awed, we were amazed and it’s worth the money I pay to watch the film.

On the other hand, even though they mentioned Mayans, Christians and even the term “Rapture” on the movie, it disregards any biblical elements on the film with regards to “Salvation”. Most of the moments that happened there was based on Science. Because if you put God on it… many people would hate Him I guess. And also on this film if you want to be saved, you don’t need god and religion, you’ve got to be as rich as a Mafia Boss to afford a ticket to salvation. There’s also a scene here where a Monk Leader was engulfed by a Mega Tsunami, and the Pope… OMG you’ve got to see what happened to the Pope while they were having a Prayer Vigil. Some people would I guess find this part offensive or disturbing. Most of the Prophets also died in this film. So the only moral lesson you can get here is… hmmmn… let’s see… Be Human! That’s as far as I can recall. This film is all about love, and caring for each other as humans, even though the world is ending.

If you want to get entertained and hold on your seats for few moments in time you’ve got to see this Film. Talk about CGI Effects, Disaster frenzy, thrill and grandeur... It’s awesome! It’s Epic!

Thursday, August 13, 2009

Best mama in the world!

Today August 14, 2009, I asked my son to greet his Lola Happy Birthday. He's a bit surprised to know that today is the exact day. And then he replied: “Poor lola, it’s her birthday today and she's got injury." I said why did you thought about that? Lola is doing well now that the wound on her foot was stitched properly by the premium doctors in the finest hospital in our country, and one of the most expensive too.
Yes, that's how we love mama; we always give her the best because she deserved it, since mama is always giving her best for us.
That night when she got wounded, was one of her effort not to disburb me on my sleep. She was trying to fix/ reach the light herself instead of waking me up and ask me to do it; sadly she fell off the chair and stepped on a sharp and corroded object. I felt guilty about it actually, but I finally realized…that's mama. I mean she would do anything herself and try not to be a burden to others. At her age, she still clean the dishes, wash the cloths, take care of our kids, go to palengke provide our every needs, instead of actually being pampered and everything.
I said to my son, I believe that mama is not in poor condition. She’s got the best and most loving 8 siblings in the world, she’s got so many good-looking apo that I can’t count on my fingers, even those who were not with us anymore and those who are living abroad. She also managed to see her cute “apo sa tuhod” at mga “bibo at biba pa”. Mama is so lucky to have also the sweetest and caring “manugangs” in the world, and also to have the friendliest biyenans, so friendly that they visit and talk to her, watch “Eat Bulaga and Wowowee” almost everyday. She’s so lucky to have kins nationwide and worldwide that still remember and greet her even thru email. Not all moms get in the same situation as her.
I appreciate all of you who are showing your love to mama the best way you could, I can see all that because at my age I still have the priviledge of living beside her and I am so thankful about that. We did our best for the best mama in the world, and I supposed that if there is such thing as “better” than “the best” we will as well give it to her.
Let’s continue our effort, I know mama appreciates it and I know mama is happy with it. And this time, we can without a doubt say… “Happy Birthday Best Mama in the World!” "Happy Birthday Mama Elena Barcena!"

Sayang natakpan si Tonad sa Pic, tapos nasa Japan ng time na to si Kuya Jun at Ate Marie, ito kasi pinaka cute na picture ni mama eh.

Monday, August 10, 2009

Bayan DSL Turtle Net

It's been a month now or more I think that we are having trouble with the speed on our internet connection. Believe it or not, it's slower than the time when I was using that noisy ancient modem.
Well I was supposed to be doing my work by this time but I cant. I cant even check my Yahoo email:
My clients is loosing patience with me because they might be thinking that I was just making some excuses as if this is one on my many delaying tactics.
And you know what? That's not the only case...
"I can't even download Images from Flickr," my goodness it's just JPEG! My dinosaur modem during the early 90's can even download BMP "FAST".
Now?... What do I get?...
How is this possible? I can't even count the times I contacted their Customer Service and discuss my problem. Though in fairness to them they were taking some actions on their part like restarting the server and something like that, changing connections, changing the splitter and they even change my Modem into a brand new one?
BUT... What seemed to be wrong?
They often ask me to check the speed on "speedtest.net" and the result is always like this:

Well, according to them this test result is fast, I actually have 781KB/s Download speed and 745KB/s for upload.
But in reality, that's not what's happening to me.
So for the 4th time they asked me to Print Screen a speed diagnostic by running CMD.Exe just like this one:
This is to prove that I'm really geting a very very slow speed. They asked me to type "tracert www.yahoo.com "and email the result to them which I did, to my surprise on how stupid I am... I realized... how am I supposed to email this to them while the "email" itself is my problem?
So while waiting for my "yahoo email" to connect, I decided to write my rant about this. You know, It's not that I'm so against Bayan DSL, but you have to understand, I'm going to loose so many clients if this would keep on happening to me.
In fairness to Bayan DSL, they are accommodating unlike other internet customer service "based on others testimonies." But as of now, that's not what I needed, "I need internet connection". Ok I'll be patient on the speed for while, but my golly it's not even loading.
"Sigh" now that I'm finished Blogging about my madness, I actually checked if I could access yahoo mail which is loading for about 15 minutes now, and here's what I get:
If somebody out there knows the reason why this keeps on happening to my connection, feel free to comment below. I'm having trouble connecting on the following sites, Yahoo, Yahoo Mail, Flickr, Getty Images, Twitter, Facebook. Other than that, it's okay, "JUST Okay". YouTube is surprisingly fast though.
If this would keep on happening to me until after a week or so, I think I'll try another Internet Service Provider.
Bayan DSL, don't take this personally, I was just sharing my experience, and at the same time asking for help about my Internet problem that you yourself cannot pinpoint why.
I'm a paying customer, and I should get what you promised in return.
Help! I need HELP!
It's 12:49AM I can't work anymore, I need to sleep, Well I'll just post this Blog and hope that tomorrow will be a different kind of day, where every site is just one click away...
...Dream on!

Wednesday, August 5, 2009

Paalam tita Cory Aquino

Paalam tita Cory Aquino. Kalilibing lang niya kanina (August 5, 2009) kung saan pumunta ako mismo at sumalubong sa kaniyang parada.
Lilinawin ko lang muna ang lahat bago ko magsimula. Sa tutoo lang hindi ako maka Cory talaga, lumaki ako sa pamilya na malalapit ang puso sa mga Marcos. Wala ring direktang naitulong sa akin ang dating Pangulong Aquino, ni hindi ko siya nakita sa personal, at madami ding mga desisyon ang kaniyang administrasyon na hindi ko ganap na sinasang ayunan.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon. Simula ng nalugmok sa karamdaman ang Dating Pangulo sinama ko na siya sa panalangin ko at sa tutoo lang nailalagay ko na rin siya sa pang araw araw kong post sa Twitter, hanggang sa hindi ko namamalayan na ang dati kong pulang sumbrero ay unti unti nang nagiging dilaw.
Ano ba ang magic na mayroon si tita Cory. Palagay ko hindi habag ang nararamdaman ko sa kaniya kung bakit unti unting napalapit ang loob ko. Marahil ang isa sa unang dahilan ay ang pagiging matibay niya sa pakikipag laban, sa lahat ng uri ng laban. Sinaliksik ko maigi ang buhay ng Dating Pangulong Aquino. At habang nakikilla ko siya lalo akong humahanga sa kaniya. Marahil ang mga dati kong nalalaman patungkol kay Pangulong Aquino ay udyok ng Media na kumakalaban sa kaniya. At tuluyan na ngang naging dilaw ang kulay ng lahat ng channel ko sa internet. Sa kantunayan Ito ang kauna unahan kong Blog, at si tita Cory ang aking inspirasyon.
Hindi sa tinatalikuran ko ang pag hanga at pagkilala ko sa mga Marcos lalung-lalo na kay Apo Ferdinand na kamakailan lang ay dinalaw namin sa Ilocos, bagkus pa nga lalo ko silang dinakila nung araw na makita ko na nag bigay ng respeto sina Aimee at Bongbong, lalo pa ulit nung marinig ko ang Dating Unang Ginang Imelda Marcos na nagsalita ng pakikipagkaisa para sa mga Aquino. Sana lang hindi lang ito umpisa, bagkus magpatuloy at tularan ng iba pa nating mga leader na walang ginawa kundi ang mag away. Kung mayron man kayong hindi pagkakasundo alalahanin niyo lang na mas malalim ang mga sugat ng hidwaang Marcos at Aquino.
Tama nga si Mikee Cojuanco Jaworski sa sinabi niya: " Tita Cory has her way of uniting people!" Ang kamatayan niya kagaya ng kamatayan ni Ninoy ay may dalang malaking epekto sa kasaysayan natin.
Ito na rin ang dahilan kung bakit sa halip na magpahinga ako sa bahay sa araw ng bakasyon ay mas pinili kong pumunta at magpakitang suporta sa Pamilyang Aquino. Hindi nasayang ang pagod ko nung nakita ko na tuwang tuwa sila sa amin at nagpapasalamat sa aming ginawa. At isa sa pinakahahangaan kong pangyayari ng araw na iyon ay ang pag baba ni Noynoy sa van upang harapin at makipag usap sa mga tao. Nandun ako, naranasan ko kung gaano ka sikip ang kinalalagyan namin, umaambon, maputik ang kalsada, sari saring amoy at ingay ng mga tao ang nasa paligid. Bagay na para sa akin na ordinaryong tao ay mahirap matagalan. Sa kabila non nakihalubilo sa amin ni Noynoy bago siya bumalik sa Van at ihatid ang kaniyang Ina sa huling hantungan.
Isa itong araw na ito sa mga araw sa buhay ko na hindi ko malilimutan, lalung-lalo na nung makita ko,makatabi, makamayan at maka picture taking ang Dating Pangulong Fider Ramos V. Ramos. Punung-puno ng putik ang pantalon at sapatos ko pero umuwi akong masaya.
Yun nga lang minalas at dahil na rin sa katangahan ko, nadukutan ako. Kaya yung init ng saya ko sa pag uwi ay nabuhusan ng malamig na tubig nung oras na nalaman ko na bukas ang bag ko at wala na ang wallet ko. Maliit na halaga lang ang dala ko nuon, pambili ko sana ng memorabilia kung meron man, pero ang mas pinanghinayangan ko ay ang mahahalaga kong ID, at nakakalungkot na sa mga ganung pagkakataon ay may mga kababayan pa rin tayo na nangingibabaw ang kasamaan sa isipan..
Kaya ayun, kasabay ng pamamaalam ko kay tita Cory sa maikling panahon ng pagkakakilala ko sa kaniya ay namaalam din ako sa aking wallet.
Ngayong gabi, sinuma ko ang lahat ng pangyayari sakin sa nagdaang araw. Oo nalulungkot ako pero sa kabila nuon, hindi ako nanghihinyang dahil nasulyapan ko ang ataul ng Dating Pangulong Aquino. Pumanaw na si tita Cory pero ang aura ay naramdaman ko pa rin lalung-lalo na nung nakalapit ako ng husto sa kaniya. Kamalas malasan lang o tinadhana na rin ng pagkakataon dahil sa sobrang pagka mangha ko sa pag tanaw sa truck na kung saan naruon ang kaniyang labi, hindi ko napansin na ang hawak kong video cam ay hindi pala nag re record. Madalas mangyari sakin ang ganito. Minsan inaakala ko na nakakuha ako sa video ng isang bagay na sobrang importante, pagkatapos nun at panunoorin ko na, di ko na makita. Isa lang ang laging nasasabi ko sa sarili ko, "Ang Tanga ko talaga!"
Ganun pa man may mga magagandang shot din naman ako na nakunan yun nga lang hindi kasing lapit nung nakunan ko sana nung una.
Para sa mga interesadong makita ang video na ito, bisitahin niyo ang YouTube channel ko na "RomiBarcena". Duon ko ia-upload lahat. Maging ang pagsasalita ni Sen. Noynoy katabi si Mayor Alfredo Lim.
Parang naging napakahaba ng linggong ito sakin at halos maubos ang panahon ko kay Pangulong Aquino, pero gaya nga ng sinabi ko nung una, hindi ko ito pinanghihinayangan. Natuwa rin ako nng makita ko ang Twitter account ko sa GMA 7 sa isa sa mga coverage nila para sa pangulong Aquino, nakakatuwang isipin na may nagbabasa pala ng post ko at may nag a appreciate dito.
Anyway, Salamat Tita Cory sa mga bagay na ginawa at tinuro mo sa amin. Alam kong masaya ka na ngayon malaya ka na sa sakit at higit sa lahat kasama mo na si Sen. Ninoy Aquino.
Paalam tita Cory Aquino, hindi kita tita pero tita ka at ina ng bansa kaya proud ako na tawagin kang tita Cory.
Sana ang pangyayaring ito sa bayan natin ngayon ay magsilbing paalala ng tunay na diwa ng EDSA na ipinaglaban natin nuon. Wag nating sayangin.